- summary of information about the stories of the geeks
Book One >>> Wren’s
Square-Headed Girlfriend
Warren Liao or simply called Wren is a nice, shy,
and workaholic geek. He acts like a responsible single parent to his brother
when their mother died, and, he never had a girlfriend. Wala siyang panahon na
makihalubilo sa ibang tao. Madalas na ang computer niya lang ang kaharap niya
kaya naman nag-aalala na ang mga kamag-anak niya sa kanya. They wanted him to
be outgoing and if possible to date a nice girl whom they would also like. And
so, his cousin Valerie recommends her best friend Tiffany Sanchez, or mostly
called Tiffa.
Hindi pa nakikilala ng personal ni Wren si Tiffa ngunit
alam niyang malapit ang pamilya nila dito. Pero sa simula pa lang narinig na ni
Wren na nagpahayag ng pagtanggi si Tiffa sa ideya ng pinsan ni Wren dahil
lingid sa kaalaman ng lahat ay mayroon itong ibang gusto—si Gio. Wren also
happens to reject the idea of him dating Tiffa because he wasn’t interested. Nang
sabihin niya iyon kay Tiffa ay nainsulto ito kaya agad niyang ipinaliwanag na
hindi siya interesado hindi dahil sa hindi niya ito gusto o dahil pangit ito.
Hindi niya lang talaga gusto ang ideya na ipinapares siya sa iba.
Wren believes he could be outgoing if he wants to
and so he proves himself by asking Ella, his officemate, to go out with him.
Maayos na sana ang lahat ngunit ayaw pumayag ng mga kamag-anak ni Wren na may
iba itong ipinapakilala sa kanilang babae. Para sa kanila ay si Tiffa na ang
babae para dito. Ngunit sinabi na rin ni Tiffa na ang gusto niya talaga ay si
Gio. At para mapatunayan nila Wren at Tiffa sa lahat na hindi talaga sila bagay
sa isa’t isa ay nagdala sila ng kanya-kanyang date sa araw ng kaarawan ng lola
ni Wren.
The family didn’t hold back while interrogating
Gio, while Ella on the other hand felt out of place during the party. Still,
both Tiffa and Wren continued to prove that they could live happily ever after
but not in the arms of each other. That is until Tiffa get to know more of Wren
and Wren gets to know more of Tiffa.
When Wren falls for Tiffa he doesn’t know what to
do with his feelings. Alam niyang wala siyang pag-asa lalo pa at alam naman
niyang gusto nito si Gio. He may not have the IQ of a genius but it was
understandable and inevitable for him to think that Gio is a much better choice
for Tiffa. So he decided to give up on her even though his geek friends thought
otherwise.
Meanwhile, Tiffa was also falling for Wren. Hindi
niya iyon agad napuna dahil ang akala niya magkasundo lang silang dalawa. Maraming
bagay siyang napupuna dito at nagustuhan niya ang mga iyon. Ang akala ni Tiffa
si Gio na ang kabuuan ng lalaking gusto niya. Magkasundo rin naman sila nito pero
nang makilala niya si Wren, nang makita niya kung gaano ito kabait, kung paano
nito pinahahalagahan ang trabaho nito, kung paano nito napupuna at binibigyang
atensiyon ang mga bagay na gusto niya ay hindi niya naiwasang mahalin ito. Pero
nais na lang niyang ilihim ang nararamdaman niya dahil may iba na itong gusto.
Ilang araw pagkatapos ng pasko ay nagulat si Tiffa
nang malaman niyang gusto rin pala siya ni Wren. May ibinigay si Valerie kay
Tiffa na nakarolyo na mga papel. Nakasulat doon ang lahat ng nararamdaman at
iniisip ni Wren tungkol kay Tiffa mula pa noong unang beses silang magkakilala.
Palihim na kinuha iyon ni Valerie mula sa computer ni Wren kaya naman nang
malaman iyon ni Wren ay dali-daling nagpaliwanag ito kay Tiffa. Inamin na rin
nito ang totoo. Ang akala nito ay may relasyon na sila ni Gio kaya sinabi rin
ni Tiffa na inisip rin niyang karelasyon na nito si Ella. It turned out they
were just both afraid to admit their feelings due to wrong assumptions. They
also made a wrong conclusion because the two of them could be together after
all.
Book Two >>>
Macky’s Seagull Manager
Mackenzie Nervar, also known as Macky, believes
that he is a people person. Madali niyang makasundo ang mga katrabaho niya maliban
kay Mikki Rosales. For him, she was the most critical, conceited, and snobbish
person he had ever met. Kapag nasa opisina sila ay hindi ito nakikipag-usap
kung kani-kanino maliban na lang kung may itatanong ito o kaya ay may iuutos na
trabaho. Magkasabay silang pumasok sa publishing company na pinagtatrabahuhan
nila. pero sa loob ng apat na taon na pagiging magkatrabaho nila ay ni hindi
man lang niya ito nagawang kaibiganin. Kahit ang ibang kasamahan nila sa
trabaho ay napuna ang mga napuna niya rito. And so, therefore, he concluded
that she was a seagull manager. It’s the perfect term for a person like her.
Pero isang araw ay narinig ni Mikki ang
pakikipag-usap ni Macky sa mga kaibigan nito. Narinig niya ang pagtawag nito sa
kanya ng seagull manager kaya inalam niya kung ano ang ibig sabihin ng mga
salitang iyon. Nang mabasa niya ang mga katagang “flies in, poops on you, and then flies away again”
ay mabilis na uminit ang ulo niya. If she was any type of bird, she was an
early bird, not a seagull manager. Mahal niya ang trabaho niya kaya ibinubuhos
niya talaga doon ang kanyang oras at atensiyon. Hindi man niya magawang makipagkaibigan
sa lahat ng katrabaho niya ay nirerespeto naman niya ang mga ito ngunit dahil
sa nadiskubre niya ay nagbago ang pakikitungo niya sa mga ito, particular na
kay Macky at sa mga kaibigan nito.
Ang dating “civil to each other” treatment ni Mikki
kay Macky ay naging “civil war” bagaman hindi iyon mapupuna agad ng iba nilang
katrabaho. But the geeks are smart enough to know something was wrong between
Mikki and Macky. Kaya hindi natiis ng mga ito na itanong kay Mikki kung may
pinag-awayan ba ito at si Macky. Mikki decided to be honest with them. Inamin
niyang hindi niya nagustuhan ang pagtawag ni Macky sa kanya ng “seagull
manager” kaya naman iniharap sa kanya si Macky upang makapagpaliwanag ito at
upang humingi ng dispensa sa kanya.
Ngunit dahil sa simula ay nagmamatigas pa rin si
Macky kaya pinagpasensiyahan at inignora na lamang ito ni Mikki. Mas itinuon
niya ang pansin sa trabaho niya lalo pa at makakasama niya sa trabaho ang dati
niyang propesor na si Sir Gio. The geeks seemed to dislike him just because he
was good looking. Pero sa paglipas ng mga araw ay nagawa rin naman ng mga ito
na makasundo si Sir Gio. Tanging si Macky na lang ang pinoproblema nito at
nabanggit nito iyon kay Mikki kaya muli ay hindi nito maiwasang mainis kay
Macky.
Mikki thought Macky was being unprofessional but
she tried to deal with him by being nice to him. Sa umpisa ay duda si Macky sa
intensiyon niya. Pero nang maisip ni Macky na mali talaga ang inaasal niya ay
humingi uli siya ng dispensa kay Mikki at sinubukang bumawi dito. He bought her
gifts, or food that she wanted to eat. Soon, they acted as if they were friends
and that no arguments happened between them.
Nang sabihin ni Macky kay Mikki na may girlfriend
ito ay hindi agad naniwala si Mikki. Sikat na modelo kasi si Lucille—ang
girlfriend nito. Pero nang makilala ni Mikki si Macky ay agad niyang naunawaan
kung bakit madali itong lapitan ng mga tao. Mabait ito bagaman mabilis mapikon.
He had a rough childhood. May mga nakilala itong mga tao na naging mabait lang
dito dahil may kailangan ang mga ito sa kanya. He also hates people who think
highly of themselves which was his first impression on her. At hindi rin
naiiwasang mapagsamantalahan ito kung minsan dahil galling ito sa may kayang
pamilya at galante ito kung minsan.
When Mikki felt that she was falling for Macky she
considered going abroad with her Uncle Sam. Hindi rin naman gustong iwanan ni
Mikki mag-isa ang Uncle Sam niya kaya ginusto niya na ding magtrabaho at
mamuhay sa ibang bansa. Meanwhile, Macky’s girlfriend broke up with him due to
reason that surprises him. Lucille said that he was in love with Mikki. Matagal
na daw nitong napupuna iyon lalo na kapag bukambibig niya si Mikki. He denied
it at first but later on his geek friends made him admit the truth.
Pero nang magawa na ni Macky na aminin ang totoong
nararamdaman niya para kay Mikki ay saka naman sinabi ng mga kaibigan niya sa
kanya na paalis na pala ng bansa si Mikki at ang Uncle Sam nito. Agad na
hinanap niya ito. Nakita niya si Mikki at Uncle Sam na kausap na ang kanilang
amo. Dahil sa katarantahan ay harap-harapan niya agad na sinabi ang pagtutol
niya sa pag-alis nito. He also admits his feelings. Fortunately, his geek
friends were there to back him up. Kinumbinsi ng mga ito si Mikki na paniwalaan
ang mga sinasabi ni Macky. And when Mikki finally stated her side. Nagulat siya,
at halos himatayin, nang sabihin nitong mahal din siya nito.
Book Three >>>
Rob’s Starter Marriage
A few people knew that Robinson Borromeo or simply
called Rob was already married. Para sa kanya ay hindi na rin naman na dapat
iyon malaman ng iba dahil hiwalay na sila ng asawa niyang si Grace Concepcion. Tungkol
sa annulment papers na lang ang kailangan nilang pag-usapan na dalawa. Pero
bukod doon ay wala na silang pakialam pa sa isa’t isa.
From his failed marriage Rob learned that he didn’t
need to be stuck with one person. So he tried to be positive as he pick up the
pieces of his broken heart and live his life to the fullest. Maging ang
lifestyle niya ay binago niya. Kung noon ay puro trabaho lang ang inaatupag
niya ngayon ay sinusubukan niya na ang iba’t ibang sports maging ang pagpunta
sa iba’t ibang lugar para lang aliwin ang sarili niya. But despite the changes
he did, one part of him would always stay the same—he was still in love with
his wife.
One day, Rob was surprise after going inside their
company’s conference room because Grace decided to pay him a visit. Ngunit
hindi iyon tulad ng inaasahan ni Rob na pakikipag-usap nito sa kanya. Hinanap
at pinuntahan siya nito dahil kailangan nito ang serbisyo niya para sa isang
kliyente nila noon. Naging magkatrabaho si Rob at Grace sa iisang kompanya kaya
may isang kliyente sila na naghahanap kay Rob. At dahil hindi pumapayag ang
kliyente na iba ang gagawa ng trabahong ipinapagawa nito ay napilitan si Grace
na pakiusapan si Rob.
Lingid sa kaalaman ni Rob ay ginusto talaga ni
Grace na puntahan siya upang magkaayos na silang dalawa. Grace knew her fault
that’s why she was willing to ask for Rob’s forgiveness but the problem is that
Rob wouldn’t listen to her. Malaki na ang ipinagbago nito mula noong huli
silang magkita. Kung noon ay gagawin nito ang lahat mapasaya lamang siya nito
ngayon ay halos hindi na siya kinikilala nito bilang asawa. But she was willing
to get all the help she could get. And so, she confessed everything to Rob’s
geek friends.
Grace knew that Rob has always been jealous of her friend
and boss Sir Ken. Pero nagsimula ang pagdududa ni Rob nang malaman niyang
pinakasalan lang siya ni Grace dahil siya ang iniisip nitong tamang lalaki na
pakasalan nito. Rob discovered that she wasn’t really in love with him. Grace
was just looking for someone who could provide her a home and security. Grace
was also attracted to his achievements. While Rob, on the other hand was so in love
with her beginning from the moment he laid his eyes on her. Now, Rob realized
how foolish he was for believing that someone as beautiful as Grace would fall
for him.
But now, Grace was doing everything she could to
have a “private moment” with Rob and with the help of Rob’s geek friends she
manage to do just that. Handa siyang gawin ang lahat ng makakaya niya, kahit
ligawan niya pa si Rob, mapatunayan niya lang na mahal niya na talaga ang asawa
niya. Maaaring hindi niya iyon naramdaman noong simula pero ngayon ay sigurado
na siyang si Rob talaga ang nanaisin niyang makasama hangga’t nabubuhay siya.
Pero nang tanggapin na ni Rob ang inaalok ni Grace na trabaho ay mabilis niyang
tinapos iyon. At nang maramdaman ni Rob na gumagawa na ng paraan si Grace upang
magkabalikan silang dalawa ay ipinakita at sinabi niya na dito na hindi na siya
interesado.
Grace finally gave up and told her cousin Caly to
deliver their annulment papers and her letter to Rob. Alam ni Grace na ayaw na
siyang pakinggan o makita pa ng asawa niya at irerespeto na niya ang gusto nito
kahit na masakit iyon sa kanya. Sinulatan niya ito dahil iyon na lang ang
natitirang paraan na alam niya upang makahingi ng tawad dito. Sinubukan ni
Grace na bumalik sa dating buhay niya. Habang papauwi siya ay nagulat siya nang
makita si Rob sa labas ng kompanyang pinatatrabahuhan niya. Sinabi nitong
natanggap nito ang ipinadala niyang sulat at dokumento ngunit may nais itong
linawin sa kanya.
Ang inaasahan ni Grace ay magtatanong si Rob
tungkol sa proseso ng annulment papers nila kaya naman nagulat siya nang
ipahayag nito sa kanya ang mga dahilan kung bakit hindi daw sila puwedeng
maghiwalay na dalawa. It turned out Rob was still in love with her. He was just
hurt and jealous that he felt like he wasn’t good enough to be her husband. A
lot of expectations were also set before and during their marriage which made
them both feel disappointed. So when Rob asked for another chance to be with
her, Grace was crying as she said yes to him.
Book Four >>>
Roarke’s Schoolie
Roarke Gonzales was known for being an Alpha Geek.
Isa siyang matulungin na tao. Kahit pa marami na siyang trabaho ay naisisingit
niya pa ang ibang gawain na iniuutos ng ibang tao sa kanya. Matalino siya at
matiyaga. Confident was part of his system. Roarke would never lose his
composure while talking to anyone except his high school classmate Mia.
Maria Immelda Alfonso or Mia on the other hand
almost forgot the existence of Roarke until Roarke approach her in an event.
Hindi na halos makilala ni Mia si Roarke. Hindi man ito naging hunk ay mas
naging maayos naman ang pangangatawan nito kumpara noong patpatin pa ito. Pero
kung noon ay naging malapit si Roarke at Mia sa isa’t isa tanging estranghero
na lang ang tingin ni Mia kay Roarke dahil matagal na panahon na noong huli
silang magkita at mag-usap nito.
Ang interes ni Mia ay nakatuon na rin sa chatmate
niyang si “nid” na lagpas sampung taon niya na ding nakakausap pero hindi niya
pa nakikita ng personal. Gusto niya ito at kung papayag lang ito ay nais niya
sanang makipagkita ito sa kanya ng personal. Nang lakas loob niyang yayaing
makipagkita si ‘nid’ sa kanya ay inakala niyang hindi ito papayag sa gusto niya
pero pumayag ito at sa mismong araw ng pagkikita nila ay napag-usapan nila kung
ano ang dapat nilang suotin upang makilala nila ang isa’t isa.
Kinakabahan man ay naghintay si Mia na dumating si
“nid” sa lugar kung saan sila magkikita. Ngunit nang masilayan niya ang isang
lalaking kahawig ng deskripsyon na sinabi nito sa kanya ay agad na lumayo ito
na para bang nag-aalangan at nahihiya. Sinubukang habulin ni Mia ang lalaki
pero may nabunggo siyang isa pang lalaki na nakakuha rin ng atensiyon niya. It
was none other than Roarke.
Nais pa sanang kausapin ni Roarke si Mia pero dahil
nagmamadali si Mia kaya mabilis na hinabol na nito ang lalaking nakita nito.
Ngunit hindi na iyon naabutan ni Mia habang si Roarke naman ay sinundan si Mia
upang tanungin kung sino ang hinahabol niya. Dahil nahihiya si Mia na aminin ang
totoo ay pinili na lang ni Mia na maglihim kay Roarke. Nang muli silang bumalik
sa coffee shop na pinanggalingan nila ay nakilala ni Mia ang iba pang kaibigan
at katrabaho ni Roarke na nagkataong papunta rin pala sa lugar na iyon. Niyaya
si Mia ng mga ito na sumama na lang sa bahay ng mag-asawang Rob at Grace dahil
magkakaroon ng salo-salo ang mga ito.
Mia soon decided to forget her feelings toward
“nid” especially when her attention was now on Roarke. Inalok niya itong
magsulat ng review para sa Geekdom
magazine na nilalabas ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Everything was
running smoothly. Mia even confessed to Roarke why she was in a hurry during
the time he saw her at the coffee shop. Mia thought that she was starting to
like Roarke so she decided to be honest with him until he suddenly revealed to
her that he was actually “nid” and that he didn’t intend to hide the truth for
more than a decade. Being her chatmate was the only connection Roarke could had
with her.
Nang malaman ni Mia ang totoo ay hindi niya malaman
kung paano pa muling pakikiharapan si Roarke. Hindi rin alam ni Roarke kung
gugustuhin pa siyang kausapin ni Mia pero nang maisip ni Roarke na nakalimutan
niyang sabihin kay Mia ang tungkol sa nararamdaman niya ay agad niya itong
pinuntahan sa bahay nito upang sabihin kay Mia na matagal niya na itong gusto.
Roarke wasn’t expecting Mia to love him back. It was during the New Year’s eve
that Roarke realize that Mia would only see him as a friend. Patunay na ang mga
ibinigay nitong regalo sa kanya at sa mga kaibigan niya. Napatawad man ni Mia
ang paglilihim na ginawa ni Roarke ay tila hindi naman kayang tugunan ni Mia
ang nararamdaman ni Roarke kaya sa mga sumunod na buwan ay hindi na nagpakita
pa si Roarke kay Mia.
Mia only realized that Roarke was letting her go
when he stop visiting her. Hindi alam ni Mia kung may ginawa siyang mali na
maaaring ikinagalit ni Roarke kaya pinuntahan niya ito sa opisina nito. Roarke
mentioned the gift she gave during the New Year’s eve—it was a robot USB—so
Roarke thought Mia was just trying to be nice to everyone. Ang hindi alam ni
Roarke ay magkakapares ang mga iniregalo ni Mia. Each couple has the same robot
USB design. Mia was just shy to admit her feelings to him because he might also
not believe her. Madali ang naging pag-amin ni Mia sa nararamdaman niya noon
kay Roarke tungkol sa nararamdaman niya para kay “nid” dahil inakala niyang
magkaibang tao ang dalawa. Ngunit pagkatapos malaman ni Mia ang totoo ay nalito
siya sa mararamdaman niya para dito ngunit naisip niyang dapat niyang
ipagpasalamat na si Roarke at “nid” ay iisa dahil nagawa niyang mahalin ang
lalaking nakilala niya na, kinikilala, at kikilalanin pa.